NBA | Warriors, pinabagsak ang Hawks, Houston Rockets wagi rin kontra Denver Nuggets

Manila, Philippines – Kahit wala ang dalawang starter nito, hindi pa rin napigilan ang defending champion Golden State Warriors na talunin ang Atlanta Hawks, 110-103 sa NBA.

Umiskor ng 29 points at anim na rebounds si Kevin Durant para pangunahan ang Warriors na pilay sa pagkawala nina Stephen Curry, dahil sa injury; at Draymond Green, dahil naman sa suspension.

May team high na 22 points naman si Taurean Prince para sa Hawks.


Samantala, pinatikim naman ng Houston Rockets ang ikaapat na sunod na talo sa Denver Nuggets, 109-99.

May 22 points si Clint Capela para Rockets habang nauwi naman sa wala ang 19 points ni Monte Morris para sa Hawks.

Facebook Comments