New Orleans Pelicans, hindi kinaya ang mainit na shooting ni Stephen Curry

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Golden State Warriors sa comeback win nila Kontra New Orleans Pelicans, 147-140.

Hindi na kasi mapigilan ang mainit na shooting ni Curry kung saan nagbagsak siya ng pitong three-pointer sa loob lang ng 3rd quarter ng laban.

Tinapos ni Curry ang laro na may 41 points at dinagdagan pa ito ng 30 points ni Kevin Durant.


Si Anthony Davis naman ay nagtala ng 30 points at 18 rebounds para sa nabigong Pelicans.

Facebook Comments