New Orleans Pelicans, hindi pinaporma ang Rockets

Hindi pinaporma ng New Orleans Pelicans ang Houston Rockets sa kanilang naging laban kanina sa NBA.

Nanalo ang Pelicans sa score na 121-116 kahit pa hindi nakalaro ang star player nila na si Anthony Davis dahil mayroon itong iniindang injury sa kaliwang kamay.

Bukod dito, pinagmumulta din si Davis ng $50,000.00 (P2.6 million) matapos nitong ihayag sa publiko na nais niyang ma-trade o mailipat sa ibang team.


Samantala, nanalo naman ang Milwaukee Bucks kontra Detroit Pistons sa score na 115-105.

Facebook Comments