New People’s Army – tinawag na ‘terori sta’ ng Department of National Defense

56

Manila, Philippines – Tinawag na mga ‘terorista’ ni DefenseSecretary Delfin Lorenzana ang New People’s Army.

 
Kasunod ito ng patuloy na pag-atake ng komunistang gruposa tropa ng militar at pagsusunog sa mga kagamitan ng mga pribadong kompanya natumatanggi sa kanilang pangingikil.

 
Ayon kay Lorenzana, maituturing na “anti-development”,“anti-progress”, at “anti-poor” ang nasabing aktibidad ng NPA.

 
Kadalasan kasing binibiktima ng npa ang mga kompanyanggumagawa ng kalsada, nagluluwas ng mga produkto at mga may kinalaman satransportasyon na nagbibigay ng trabaho at kita sa mga pilipino.

 
Sa kabila ng pagkondena, suportado pa rin naman ni Lorenzanaang pagpapatuloy ng peace talk sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

 
Pero aniya, dapat na ipakita ng komunistang grupo angkanilang commitment at sinseridad na pakikipag-ayos hindi lang sa salita,lalo’t higit sa gawa.

 

 

Facebook Comments