Ulat ng militar na sampung rebelde ang namatay sa engkwentro ng magkabilang panig, pinabulaanan ng NPA

42

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng New People’s Army (NPA)ang ulat ng militar na sampung rebelde ang namatay sa engkwentro ng magkabilangpanig sa General Nakar, Quezon noong Huwebes isang araw bago ang nakatakdasanang pagdedeklara ng ceasefire ng NPA.

 
Ayon sa tagapagsalita ng NPA Rosario Lodronio command nasi Armando Jacinto – walang namatay o nasugatan sa kanilang panig.

 
Katunayan, limang sundalo pa aniya ang nasawi at isa angnasugatan, taliwas sa ulat ng militar na dalawang sundalo ang namatay sabakbakan.

 
Gayunpaman, nanindigan si Major General Rhoderick Parayno,commander ng 2nd infantry division na kumpirmado ang ulat ng militar na 10 angnamatay sa panig ng NPA.

 
Nabatid na hindi idinedeklarang patay ng NPA ang kanilangmiyembro hangga’t hindi narerekober ang bangkay ng mga ito.

Facebook Comments