Pampanga – Nilalayon ng Clark International Airport na maabot ang 2 milyong o higit pang pasahero ngayong taon na maserbisyuhan.
Kumpiyansa ang pamunuan ng CIAC dahil nito lamang nakaraang buwan ay malugod na ibinalita ng CIAC na umabot sa humigt kumulang 215,000 na mga pasahero ang kanilang naitalang gumamit ng paliparan at aabot naman sa humigit kumulang 8,000 biyahero ang naitala pagpasok pa lamang ng Abril 2.
Ayon kay Mr. Alexander Cauguiran, ang CIAC President & CEO,aabot sa kabuuang 215,040 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng paliparan mula Marso 1 hanggang 31 at samantalang aabot sa sumatutal na 8,322 na biyahero sa loob lamang ng isang araw ang naitala ng CIAC noong April 2, 2018. Ang bilang na ito ay ang pinakamataas sa kasaysayan ng CIAC mula noong 1995.
Araw-araw ang karaniwang dami ng pasahero sa Clark airport ay aabot sa humigit kumulang 7,000 at sa linguhang biyahe ito ay may kabuuang 481 flights, kung saan ang mga internasyonal na biyahe ay may 158 samantalang ang natitirang 323 ay domestic na ruta.
Mula January 1 to March 31 ngayong taon aabot na sa 600,811 na mga pasahero ang naitatalang dumaan sa paliparan. Tiwala si Mr. Cauguiran na malalampasan nito ang record ng mga biyahero sa paliparan noong nakaraang taon na umabot sa 1.5 million dahil narin sa tulong ng Duterte Administration at masigasig na pakikipagtulungan ng pamunuan ng clark.
Sa ngayon puspusan ang paghikayat ng CIAC sa mga airlines na magkaroon ng regular flights sa paliparan. Sa kasalukuyan ang mga airlines na regular na gumagamit sa nasabing paliparan ay ang Asiana Airlines, Cathay Dragon, Cebu Pacific, Emirates, Jetstar Asia, Jinair, Philippines AirAsia, Philippine Airlines, Qatar Airways, Scoot ang mayroong regular flights sa paliparan, samantalang ang nagsasagawa ng chartered flights ay AirSwift at Alphaland Aviation.
“ May tiyak na pag-akyat sa bilang ng flights sa Clark airport, destinasyon, at dami ng pasahero, kasama ang mga pagpapabuti ng mga pasilidad nito, lahat ng ito ay posible sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte,” ayon kay Caugurian.
Samantala, Ang Transportation Secretary Arthur Tugade ay pinuri ang pamamahala at mga tauhan ng CIAC para tiyakin ang kaginhawaan at seguridad ng mga commuting public lalo na nitong nakaraanh pagdiriwang ng mahal na araw.
Ipinaabot ni Secretary Tugade ang taos-pusong pasasalamat sa tauhan ng CIAC, “isinakripisyo ang kanilang mga day-off upang siguraduhing ligtas ang mga sumasakay, siguridad at kaginhawaan nila sa paglalakbay nila sa Mahal na Araw.
Kasabay nito binigyang papugay ang ilan sa mga CIAC employees na pinuri para sa pagiging tapat at husay sa serbisyo sa katauhan nina CIAC security officers Christopher Ferry at Larry Magcalas, na nagbalik ng mga gamit na naiwan ng ilang pasahero at nabigyan ng reward noong Marso 10.
Noong Pebrero ang empleyado na si Eduardo Labarda ay ibinalik ang nawalang telepono at si Eranie Decena ay isinauli ang Rolex na relo noong Disyembre, Ang parking attendant na si John Pamintuan ay tinulungan ang balikbayan ng wala sa oras ng kanyang trabaho sa CIAC Park at Fly facility.