New York Times, may bago na namang patutsada kay Pangulong Rody Duterte; investigative documentary hinggil sa war on drugs ng pamahalaan, ilalabas bukas

Manila, Philippines – Mayroon na namang panibagong patutsada ang international newspaper na the New York Times laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang facebook post, ipinakita nito ang preview ng isang investigative documentary na pinamagatang “When A President Says, I’ll Kill You.”

Laman nito ang mga larawan na nakunan ng photo journalist na si Raffy Lerma sa kasagsagan ng kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon.


Nakatakdang ilabas ang buong dokumentaryo bukas.

Matatandaang una nang nagpalabas ng artikulo ang NYT na pinamagatan namang “Becoming Duterte: The Making of a Philippine Strongman” kung saan nakasulat dito kung paano naging makapangyarihan ang isang bayolenteng Rodrigo Duterte.

Facebook Comments