New York Times, pumalag sa bintang ng Malakanyang na demolition job laban sa Duterte administration

Manila, Philippines – Umalma ang New York Times sa paratang ng Malakanyang na bahagi umano ng isang “demolition job” ang mga inilabas nilang artikulo at dokyumentaryo tungkol sa madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon sa isang tagapagsalita ng New York Times – makatotohanan lamang nila isinalarawan sa kanilang dokumentaryo ang serye ng mga patayan simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Duterte.

 

Tampok sa docu na “When A President Says, I’ll Kill You” ang madugong operasyon ng mga pulis at ang mga umanoy kaso ng extrajudicial killing.

 

Sa isang blog article – ibinahagi ng senior video producer ng New York Times na si Andrew Glazer ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng docu.

 

Ayon kay Glazer, nanatiling malawak ang popularidad ni Pangulong Duterte at kanyang kampanya kontra droga, pero ikinababahala ito ng mga sinamahan niyang mamamahayag na nagko-cover ng mga patayan sa gabi.



Facebook Comments