New York Trip ni Honeylet Avanceña, pagsagot sa imbitasyon ng US First Lady

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon ang Palasyo ng Malacañang sa biyahe ni Honeylet Avancena sa New York City para umano sa pagdalo sa United Nations General Assembly.
Matatandaan na sinabi ng Malacañang na hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pulong dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City at kumakatawan ngayon kay Pangulong Duterte ay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at kasama pa nito si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, personal trip ang biyahe ni Avancena sa New York dahil sa imbitasyon ni US First Lady Melania Trump na dumalo sa isang hindi naman binanggit na event.
Hindi din naman nagpaliwanag ang Malacañang sa nasabing issue at hindi parin naman ipinapakita ng palasyo ang pormal na imbitasyon ni Trump kay Avancena na Common Law Wife ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments