New Zealand, magdedeklara ng Climate Emergency para labanan ang global warming

78

Magdedeklara ng Climate Emergency ang gobyerno ng New Zealand bilang aksyon sa global warming.

Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, malaking banta sa kanilang climate change.

Aniya, kinakailangang aksyunan agad ng kanilang gobyerno ang ganitong klaseng problema sa kalikasan.


Matatandaang una nang ipinasa ni Ardern ang Zero Carbon Bill na bumabalangkas sa net zero emissions sa New Zealand sa taong 2050.

Facebook Comments