Pagkamatay ng Slapshock vocalist na si Jamir Garcia, iniimbestigahan pa rin ng QCPD

1024

Iniimbestigahan pa rin ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng Slapshock vocalist na si Jamir Garcia, 43 anyos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Talipapa Police Station, idineklarang dead on arrival si Garcia sa Metro North Medical Center and Hospital.

Unang natagpuang walang buhay si Garcia sa tinutuluyang bahay sa Barangay Roxas na nakabigti sa loob ng comfort room.


Nauna nang nabuwag noong Oktubre ang grupo ni Garcia dahil sa kani-kanilang mga personal na problema.

 

(The Department of Health has a national crisis hotline to assist people with mental health concerns. The hotline can be reached at 0917-899-USAP (8727) and 0917-989-8727. The Natasha Goulbourn Foundation can also be reached at 804-4673 and ‎0917-558-4673.)

Facebook Comments