New Zealand, nanguna sa mga bansang may pinakamataas na performance rating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic

264

Nag-top 3 ang New Zealand, Vietnam at Taiwan sa mga bansang may pinakamataas na performance rating pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na rankings ng Lowy Institute, kabilang sa bumubuo ng top 10 ay ang Thailand, Cyprus, Rwanda, Iceland, Australia, Latvia at Sri Lanka.


Ang mga bansang nabanggit ay ang mga may pinakamabababang kaso at pagkamatay dahil sa COVID-19.

Kasunod nito, halos nasa pang-huli o nasa ika-94 na pwesto naman ang Estados Unidos na mayroong higit 25 million COVID-19 cases at nasa 86th spot ang India na may higit 11 million na kaso.

Habang pang 66 sa nasabing listahan ang Britain matapos na maitala sa kanilang bansa ang pinakamaraming bilang ng mga nasawi sa buong Europe dahil sa virus.

Samantala, sa ngayon ay pumalo na sa higit 100 milyon ang COVID-19 worldwide tally kung saan higit 2 milyon na rito ang binawian ng buhay.




Facebook Comments