New Zealand Prime Minister, darating sa bansa ngayong araw

Darating sa bansa si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon ngayong araw, April 18.

Ito ang inanunsyo ni outgoing New Zealand Ambassador Peter Kell sa MalacaƱang kahapon.

Ayon kay Kell, nais ng New Zealand na mapaabot ang suporta sa mga agendang isinusulong ng administrasyong Marcos.


Bitbit ni Luxon ang kaniyang delegasyon na binubuo ng 25 top business leaders para sa pagpapalakas pa ng presensya mg Pilipinas.

Nakatakda itong bumisita sa MalacaƱang mamayang hapon para sa bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments