Ito ang kinumpirma ni Dr. Bryan Sibayan, ang Regional Livestock Focal Person ng DA.
Nauna nang kumalat ang mga ulat hinggil sa sakit na tumama sa isang libong manok at itik sa Amulung West, Cagayan.
Ayon kay Dr. Sibayan, ang Newcastle disease (ND) ay isang nakakahawa at kadalasang nakamamatay na sakit na nakakaapekto sa mga species ng ibon at sanhi ng impeksyon sa mga virulent strains ng avian paramyxovirus-1 (APMV-1) ng pamilyang Avulavirus.
Hinimok ni DA Regional Director Narciso Edillo ang iba’t ibang Local Government Units (LGUs) na maging maagap laban sa bird flu at dapat ay malapit na makipag-ugnayan sa Department of Agriculture.
Ayon pa sa kanya, handing tulungan ng DA ang lahat ng LGU sa pamamagitan ng ating Regulatory and Integrated Laboratory Division upang mapigilan ang pagkalat ng strain.
Samantala, nilinaw ni Edillo na ang Brgy. Marabulig, Cauayan City, at ang bayan ng Alicia na dinapuan ng bird flu ay isa ng safe zone.
Hinikayat niya ang lahat na iulat ang pagkakaroon ng anumang strain ng virus na nagdudulot ng panganib sa mga manok.