NEWLY APPOINTED | Dalawang bagong acting Secretary, itinalaga ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nagtalaga na ng Acting Secretary si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Social Welfare and Development at sa Department of Information and Communications Technology.

Sa appointment Paper na inilabas ng MalacaƱang na may petsang May 8 ay itinalaga ni Pangulong Duterte si Eliseo Mijares Rio bilang Acting Secretary matapos maging OIC ng DICT ng ilang buwan.

Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte si Virginia Nazarrea Orogo bilang Acting Secretary ng DSWD kapalit ng OIC na si Social Welfare Undersecretary Emmanuel Leyco.


Nagtalaga din naman si Pangulong Duterte ng dalawang bagong Board Member ng SBMA sa katauhan nila Ronaldo Ampunin at Benasing Macarambon Jr.

Facebook Comments