Newly Identified na Tulak ng Droga, Huli sa Santiago City!

Santiago City – Hindi nakaligtas sa kamay ng mga pulis ang isang Newly Identified na tulak ng droga matapos kagatin ang kanilang isinagawang Drug Buy Bust Operation kaninang alas onse y media ng umaga sa Barangay Victory Norte, Santiago City.

Ang suspek ay kinilalang si John Paul Sallentes, bente uno anyos, Newly Identifed person, at residente ng naturang barangay.

Si Sallentes ay nadakip ng Santiago City Police Station 1 katuwang ang PDEA RO2 kung saan nakuha sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na kanyang ibinenta sa isang pulis na nagpanggap bumili at narekober sa suspek ang limang daang pisong marked money.


Hawak na ng PNP Santiago City ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act.

Facebook Comments