CUSTOMIZATION MODERNIZATION | Manila International Container Port, magsasagawa ng pagsusubasta ng kalakal sa lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Magsasagawa ng pagsusubasta ng ibat-ibang kalakal ang Manila International Container Port (MICP) sa May 8 sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing auction ay bahagi ng customization modernization ng Bureau of Customs (BOC).

Kabilang sa mga isusubasta ang dalawang 40 ft container na naglalaman ng mga kitchenware at ladies and mens casual synthetic shoes, tshirts at marami pang iba.


Ang lahat ng mga kwalipidong bidder ay mapipili sa public viewing at pre-bidding ng mga kalakal na gaganapin sa Mayo 3 hanggang 4 sa MICP.

Inaasahan naman na mahigit pitong milyong piso ang madadagdag na kita sa costoms.

Facebook Comments