Newly-Rehabilitated Public Market sa bayan ng San Guillermo, Binuksan

11

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang newly rehabilitated wet section ng Public market sa Barangay Centro II, San Guillermo, Isabela.

Ito ay makaraang pondohan ng limang milyon piso (P5,000,000) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng FY 2019 General Appropriations Act, na siyang pinangasiwaan ng Isabela 4th District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsimulang ayusin nitong July 2020.


Maliban dito, kasabay rin na pinasinayaan ang Rescue 802 Patient Transport Vehicle, MDRRMC Emergency Operation Center, at Legislative Building na pinondohan naman ng municipal government.

Tiniyak naman ng LGU San Guillermo na mas maayos na ngayon at kaaya-aya ng makabili ng sariwang pagkain ang mga residente.

Facebook Comments