12 persons of interest sa Dacera case, sumailalim sa drug test sa NBI

86

Isinailalim sa drug test sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 persons of interest na kasama ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera sa New Year’s party sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Sila ay ang mga hotel guest na nasa Room 2207.


Ayon sa NBI, bahagi ang pagsasailalim sa drug test ng mga persons of interest upang malaman kung positibo ba ang pagkakaron ng party drugs sa party.

Isinasagawa na rin ang conference sa pagitan ng mga hotel guests mula naman sa Room 2297 at ng mga imbestigador ng NBI Death Investigation Division.

Facebook Comments