News Agency sa US, ibinulgar na informant ng CIA ang pinaslang na kapatid ni North Korean Leader Kim Jong Un

Inihayag ng news agency ng Wall Street Journal sa isang informant ng US Central Intelligence Agency (CIA) ang pinatay na half-brother ng pinuno ng North Korea.

Ayon sa ulat ng Wall Street Journal, sinabi na isang hindi pinangalanang  tao ang alam ang kaugnayan ng kapatid ni North Korean Leader Kim Jong Un na si Kim Jong Nam sa CIA.

Pero, nanatili umanong hindi malinaw ang maraming detalye tungkol sa naging relasyon ni Kim Jong Nam sa ahensya.


Bukod sa CIA, sinabi rin na may contact si Kim Jong Nam sa Security Services ng ibang bansa, partikular sa China.

2017 nang patayin si Kim Jong Nam habang nasa Kuala Lumpur Airport sa Malaysia sa pamamagitan ng pagpahid ng Liquid VX, isang ipinagbabawal na chemical.

Dalawang babae ang hinuli at kinasuhan ng panlalason.

Facebook Comments