NEWS UPDATE: Isa sa Riding in Tandem Criminals na Bumaril sa Negosyanteng Mag-asawa sa Alicia, Isabela, Natimbog Na!

377

*Alicia, Isabela-* Natimbog na ng PNP Alicia, Isabela ang isa sa riding in tandem criminals na bumaril sa negosyanteng mag-asawa at ikinasugat ng kanilang 8 anyos na anak makaraang gabi sa brgy Sto. Domingo, Alicia, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Reynaldo Junio, ang Deputy Chief ng PNP Alicia matapos ang kanilang isinagawang hot pursuit operation sa naturang pamamaril sa pangunguna ng kanilang hepe na si PCI Rey Tad-o.


Aniya, pagnanakaw ang nakikitang motibo ng pamamaril kung saan sinubaybayan at sinundan ng mga suspek ang multi cab ng mag-asawa na sina Arnold Salvatierra, 47 anyos at si Rita Salvatierra, 44 anyos kasama ang kanilang anak at dalawa pang sakay na menor de edad matapos maghatid ng kanilang panindang itlog ng itik sa brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.

Matapos pagbabarilin ng mga suspek ang mag-asawa gamit ang hinihinalang cal 45 ay tinangay ang kanilang pinagbentahan na nagkakahalaga ng mahigit isang daang libong piso at tatlong cellphones.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagtugis ng PNP Alicia sa isa pang kasama ng naarestong suspek na hindi pa pinangalanan ng PNP at Inihahanda na ang mga kakaharaping kaso laban sa dalawang suspek.

Facebook Comments