NEWS

39

Taga Pagadian City Arestado sa Maguindanao, 30 Sachet ng Shabu nakumpiska
COTABATO CITY-Kulungan ang bagsak ng isang 59 anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng 30 sachet ng shabu sa isinagawang checkpoint operation ng Sultan Kudarat PNP alas onse pasado ng umaga kahapon.
Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief of Police CIns Esmael Madin ang naarestong suspek na si Datu Ingkong residente ng Pagadian City.
Sa Report ng SK PNP , isang tawag sa mula sa isang concern citizen ang kanilang natanggap at nagsasabing papadaan ang suspek na dala ang illegal na droga sa kanilang AOR
.
Agad na nagsagawa ng Checkpoint sa bahagi ng Brgy Poblacion ang mga ito at hinarang ang si Ingkong habang sakay ng kanyang Kawasaki Rouser 135.
Tinatayang abot sa 12 libong peso ang Market Value ng nakumpiskang Shabu na nagtitimabng ng .6 Grams.
Sinasabing nauna na ring nagsurfaced sa kanilang lugar si INGKONG.
Kasalukuyang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165.
Pinuri naman ni Sultan Kudarat Datu Shameem Mastura ang mas pina igting na kampanya ng SK PNP kontra illegal drugs sa buong bayan.
Matatandaang nauna na nitong binalaan ang lahat na walang puwang sa kanyang bayan ang mga gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamut.(DENNIS ARCON)


Facebook Comments