Manila, Philippines – Umaasa si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ang susunod na Ombudsman ay katulad din niya.
Ito ang sagot ni Morales matapos siyang tanunging kung ano ang mga kinakailangang qualities para maging magaling na Ombudsman.
Ayon kay Morales, mahalaga sa Ombudsman ang pagiging masipag at buo ang dedikasyon sa trabaho.
Handa aniya ang susunod na Ombudsman sa harapin ang pressure, may integridad at may kumpiyansa sa sarili.
Ipinagmalaki rin ni Morales ang kanyang work ethic at umaasang magiging ganito rin ang next Ombudsman.
Nakatakdang magretiro si Morales sa Hulyo.
Facebook Comments