Drug- Cleared Municipality target ng Shariff Aguak LGU

Nagpapatuloy ang kampanya at mga adbokasiya ng LGU Shariff Aguak Maguindanao para tuluyang maideklara na at maging Drug Cleared Municipality.
Sinasabing matagal na ring naideklarang drug-cleared ng PDEA ARMM kasama ang over sight committee ang lahat ng 13 barangay ng bayan ayon pa kay Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan sa panayam ng DXMY.

Kaugnay nito pinuri ni Mayor Ampatuan ang mga pagsisikap at mga inisyatiba ng lahat ng mga barangay kapitan ng kanyang bayan at tuluyang natuldukan na ang perwisyong hatid ng ipinagbabawal na droga. Bumaba rin aniya ang crime incident sa buong bayan bunsod sa pagkakawala ng droga.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Marop ang lahat ng kanyang mga kababayan na nakiisa sa kanilang panawagan na labanan ang ipinagbabawal na gamot. Wala na aniyang puwang sa Shariff Aguak ang droga.


Samantala dahil sa magandang performance na ipinakita, unopposed ang lahat ng mga kumakandidatong barangay chairperson sa buong bayan ngayong 2018 Brangay at SK elections kagalakang sinabi ni Mayor Marop.
SA Pic

Facebook Comments