Bumili ang National Food Authority (NFA) ng nasa 11.52 million bags ng palay mula sa mga magsasaka sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Karamihan ay nagmula sa Central Luzon, Southern Tagalog, at Cagayan Valley Regions.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal – mula nitong November 20 ay nakamit na nila ang 80% ng kanilang target.
Kumpiyansa si Dansal na maaabot nila ang target na 14.46 million bags bago magtapos ang anihan ngayong taon.
Ang average daily procurement rate ng NFA ay nasa 125,754 na bags kada araw.
Sa ngayon, ang umiiral na farmgate price ng palay ay tinatayang nasa higit 16 pesos.
Facebook Comments