Inaprubahan ng National Food Authority (NFA) council ang pagpapataas ng buying price ng palay.
Sa isinagawang NFA council meeting, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na itinaas sa 23 hanggang 30 pesos kada kilo ang bilihan ng tuyong palay mula sa 17 hanggang 23 pesos kada kilo.
Magiging 19 hanggang 23 pesos kada kilo na rin ang buying price para sa sariwa mula sa dating 16 hanggang 19 pesos kada kilo.
Ani de mesa, layon ng pag-aproba sa mas mataas na buying price ng palay na maenganyo ang mga magsasaka na magtanim at mapalawak ang area at mapataas ang produksyon ng palay.
Ayaw rin naman kasi ng mga magsasaka na tumanggap ng ayuda at mas gusto nila na maging matatag ang presyo ng bigas at kumita mula sa kanilang pagtatanim.
Umaasa rin ang DA na matatapatan nila ang presyuhan ng mga rice traders lalo pa’t nais nilang magkaroon ng sapat na buffer stock ang NFA.