NFA, di na papayagan na mag-import ng bigas para sa buffer stocking sa sandaling maipasa ang Rice Tariffication and Liberalization Bill

Manila, Philippines – Hindi na mag-iimport pa ng bigas ang National Food Authority (NFA) para sa buffer stocking sa sandaling mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication and Liberalization Bill.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, tututok na lamang ang NFA sa pamimili ng palay sa mga local farmers.

Aniya, sa ilalim ng 2019 budget, binigyan ang NFA ng P7-B para sa local palay procurement.


Aniya, welcome development sa Department of Agriculture (DA) ang pagbabagong bihis ng rice agency.

Sinabi ng DA Chief na nabahiran ng isyu ng katiwalian ang pamimigay ng import permits sa rice importation program para sa buffer stocking.
Sa ilalim ng rice tariffication bill, bubuksan at padadaliin na sa private sektor ang proseso ng rice importation.

Facebook Comments