NFA, handang magpalabas ng NFA rice ngayong holiday season

Tiniyak ni National Food Authority Administrator Larry Lacson sa publiko na nakahanda ang ahensya na magpalabas ng NFA rice upang tulungan ang mga institusyon sa panahon ng mga kalamidad at emergencies kahit sa holiday season.

Ginawa ni Administrator Lacson ang katiyakan sa harap ng ipinapakitang aktibidad ng Bulkang Kanlaon at ang binabantayang sama ng panahon.

Pinalakas ng NFA ang mga istratehiya sa pagbili ng palay sa ilalim ng Price Range Scheme (PRICERS) upang tugunan ang mga kahilingan sa bigas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), local government units (LGUs), at mga mambabatas para ipamahagi sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Naabot ng ahensiya ang 95% na pag-iimbak ngayong taon.

Facebook Comments