NFA, inatasan ni Pangulong Duterte na bumili ng palay sa mga magsasaka

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA) na bumili ng mga palay mula sa mga lokal na magsasaka.

Matatandaang nanawagan na ang mga magsasaka sa gobyerno na suspendihin ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law dahil bumulusok na sa pitong piso kada kilo ang palay.

Sa Press Conference sa Malacañan kagabi, iginiit ng pangulo, dapat magkaroon ng kompromiso hinggil sa presyo ng palay.


Pero nakiusa ang pangulo sa mga magsasaka na huwag humiling ng “unreasonable” price.

Dinepensahan din ng pangulo ang Rice Tariffication Law dahil malaki ang naitutulong nito.

Sa ilalim ng batas, titiyakin nitong mananatiling matatag ang presyo ng bigas sa merkado sa pamamagitan ng pag-aangkat ng bigas.

Magkakaroon din ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na tutulong sa mga magsasaka partikular sa farm machinery and equipment para mapabuti ang Farm Operations, Rice Seed Development, Propagation, Promotion, Expanded Rice Credit, at Extension Services.

Facebook Comments