NFA, Inutusan na Ilabas sa Merkado ang mga Bigas!

Cauayan City, Isabela- Muling iginiit ni Kalihim William Dar ang kanyang direktiba sa pamunuan ng National Food Authority (NFA) na agad na ilabas ang mga nakaimbak na bigas sa kanilang mga bodega upang pakinabangan na ng mamamayan.

Ayon kay Sec. Dar, base sa pinakahuling report na kanyang natanggap mula sa NFA, umaabot pa umano sa mahigit dalawang (2) milyong sako ng bigas ang nakaimbak pa sa mga bodega ng NFA sa buong bansa na kung mailalabas ito sa merkado ay malaking tulong ito upang mapababa ang presyo ng bigas.

Dagdag ng kalihim, dapat sundin ng NFA ang lahat ng direktiba mula sa kagawaran upang matulungan ang mga umaaray na mga magsasaka dahil sa mababang presyo ng kanilang mga inaning palay subalit mataas pa rin naman ang presyo ng bigas sa merkado kahit na di umano’y marami ng imported rice ang nakapasok sa bansa.


Sa pagdalaw ng kalihim sa Lalawigan ng Isabela, kanyang inisa-isa ang mga programang makakatulong sa mga magsasaka upang maiangat ang kabuhayan ng mga ito.

Makasabay rin ang mga farmers sa pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng bagong batas na Rice Tariffication na siyang nakikitang solusyon ng gobyerno upang maiangat ang mga magsasaka sa kanilang pamumuhay.

Facebook Comments