Manila, Philippines – Ititigil na ngayong araw ng National Food Authority (NFA) ang lahat ng regulatory functions nito sa pagsasaayos ng international at domestic rice trade.
Ito ay alinsunod sa mga patakaran ng Rice Liberalization Law.
Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez, partikular na ititigil ng NFA ang pag-isyu ng permit at pagpaparehistro ng mga kumpaniyang may bigasan.
Gayundin ang paniningil ng regulatory fees at mga patakaran sa pagpapatupad ng grains business.
Hindi na rin papayagan ang NFA na mag-isyu ng negotiable warehouse receipts at pag-inspeksyon ng mga bodega ng bigas para manita ng nagtatago ng bigas.
Sabi pa ni Escarez, hinihintay na lang nila ang Implementing Rules and Regulations o IRR bago sila tumutok sa buffer stocking ng bigas para sa kalamidad at iba pang emergencies situation.