PRRD, pumayag nang isapubliko ang kanyang bank account

Payag na si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang kaniyang bank account.

Ayon sa Pangulo, sinadya niyang hindi pabuksan ang kaniyang account ng akusahan siya ni Senator Antonio Trillanes IV na may itinatagong bilyon-bilyong piso.

Aniya, ayaw kasi niyang magmukhang uto-uto kay Trillanes.


Giit pa ng Pangulo, dapat ng magkaalaman kung sinu-sino ang tunay na mayroong tagong yaman.

Kasabay nito, hinimok ng Pangulo ang mga opisyal ng gobyerno na isapubliko na rin ang kanilang mga bank account.

Facebook Comments