NFA, kinalampag ng isang senador para magbigay ng bigas sa mga mahihirap na komunidad

Dismayado si Senator Nancy Binay sa kabagalan ng National Food Authority o NFA sa pagpapalabas ng bigas mula sa mga bodega nito.

Diin ni Binay, kailangang-kailangan ngayon ng libreng bigas ng mga mahihirap na pamilya at komunidad para maitawid muna kahit ang 14 na araw sa umiiral na lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Giit ni Binay, hindi dapat nagbabakasyon ang NFA habang may nagaganap na giyera laban sa virus.


Paalala ni Binay, may Memorandum of Agreement (MOA) ng NFA at mga relief agencies na kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense at mga lokal na pamahalaan.

Itinatakda nito ang pagsuplay ng NFA ng bigas sa mga relief emergency sa panahon ng natural disaster, kalamidad at krisis tulad ng sitwasyon ngayon dulot ng COVID-19.

Facebook Comments