NFA, nag-iimbestiga na sa umano’y pangit na NFA rice na naibigay sa mga guro sa Central Luzon

Iniimbestigahan na ng National Food Authority (NFA) ang napaulat na umano’y bulok at hindi na makain na NFA rice na natanggap ng ilang pampublikong guro sa ilalim ng one-time grant of rice assistance (OTRA) ng Department of Education (DepEd).

Gayunman, sinabi ng NFA Region 3 na wala pa itong natatanggap sa ngayon na ‘negative feedback’.

Sa katunayan, wala pa ring formal complaint na naihain ukol dito.


Batay sa mga sertipikasyon ng mga rice distributors sa Nueva Ecija, nasa maayos na kalidad ang lahat ng bigas na natanggap nila mula sa NFA.

Facebook Comments