Nasa 700 na job seekers, inaasahan pa ngayong araw; hired on the spot, patuloy na nadadagdagan

Inaasahan na aabot sa 700 ang job seekers ngayong araw dito sa Ayala Circuit Makati sa ikinasa pa ring job fair ng lungsod kasama ng Department of Labor and Employment (DOLE) at DZXL Radyo trabaho.

Sa ngayon kasi, nasa 300 na ang nag-apply thru online at umabot na sa 300 ang walk in, pagdating naman sa hired on the spot mayroon ng 30 na job seekers ang mag-aasikaso na ng kanilang requirements dahil na rin sa natanggap na sila sa inapplyang mga agency.

Ayon kay Public Employment Service Office Officer in Charge (PESO OIC) Josephine Camata Copada, halos mga estudyante ang may malaking porsyento ng bilang mga-nag apply ngayon, malapit na rin kasi ang bakasyon kung kaya’t ang iba ay mas pinili na magkaroon ng trabaho para naman makatulong at may pang tustos pagbalik ng pasukan.


Samantala, tatagal ang job fair hanggang mamayang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments