Dumipensa ang National Food Authority (NFA) sa report ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng sinasabing diversion ng procurement subsidy fund ng ahensya noong 2018.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, hindi naapektuhan ang pamimili ng palay sa mga local farmers dahil magkahiwalay ang pondo ng ahensya para sa procurement subsidy.
Taliwas aniya ito sa sinasabi ng COA na nagkaroon ng diversion ng pondo.
Aniya, bagamat pinagsama-sama sa iisang tipak ang corporate fund, hindi kasama rito ang nakalaan sa palay procurement.
Sa simula ng Hunyo ng 2018 ay gumastos na ng P7 billion ang ahensya para sa local procurement at rice importation na nagsimula noong June 2018.
Sa ilalim ng rice tariffication law, mas lumakas pa ang volume ng procurement ng anihan mula October hanggang December na katumbas ng 70 percent ng annual national rice production.