NFA, naglabas ng alintutunin sa pag-dispose ng lumang stocks ng bigas

Naglabas ng alituntunin ang National Food Authority (NFA) council hinggil sa pagdi-dispose ng mga rice stocks ng NFA.

Ito ay upang hindi na maulit ang kontrobersya ng diumano ay ibinentang tone-toneladang lumang rice stocks sa halagang ₱25 pesos per kilo sa mga pribadong trader.

Sa ilalim ng guidelines, pangunahing bibigyan ng rice stocks ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mga ahensyang nangangasiwa ng calamity at disaster.


Sa sandaling matapos na maipamahagi ito, ang matititira ay iaalok naman sa mga pribadong sektor sa pamamagitan ng auction.

Dagdag pa rito, hindi na 25 pesos ang bentahan kada kilo sa mga idi-dispose na lumang suplay kundi 20 percent na mas mababa sa PSA monitored price ng well milled rice.

Maglalabas din ng sampung bilyong piso para sa NFA upang mapalakas ang drying facilities ng ahensya.

Facebook Comments