Nahihirapan ngayon ang National Food Authority (NFA) na makabili ng palay sa mga magsasaka tuwing anihan.
Sabi ni NFA fficer-in-charge Administrator Larry Lacson, mas mataas kasi ang bili ng mga trader kumpara sa alok ng ahensya.
Nasa ₱25 hanggang ₱27 per kilo ang bili ng mga rice trader habang ₱23 lamang ito binibili ng NFA.
Katunayan, nitong Pebrero, bigo ang NFA na maabot ang target nitong 542,800 bags na palay procurement dahil nasa 12,378 bags lamang ang kanilang nabili.
Pero paglilinaw ni Lacson, walang shortage at may sapat na stock na ng bigas ang ahensya.
Bumibili lamang aniya sila ng mga pandagdag.
Nakatakda namang magpulong bukas ang NFA Council upang talakayin ang posibilidad na pagpapataas ng buying price ng palay.
Facebook Comments