Nakapaglabas na ang National Food Authority (NFA) nang nasa 622,683 bags ng bigas mula March 31 hanggang June 19, 2020 para sa calamity response ng Local Government Units (LGU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay NFA Assistant Regional Director Lolita Paz, batay sa kanilang inventory, mayroon pa silang nasa 400,000 bags ng bigas na sasapat pa sa walong araw.
Kung isasama aniya ang commercial at household stocks sa rehiyon, tatagal naman ito ng 65 araw.
Facebook Comments