Nalampasan ng National Food Authority ang palay procurement target nito sa buwan ng Hunyo.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, nakabili sila ng 261,000 bags ng palay sa mga local farmers noong buwan ng Hunyo.
Dahil dito naitala na ng government food agency ang total palay procurement nito sa unang hati ng 2019 sa 5.412 million bags.
Ito ay 16 percent na mataas kung ikukumpara sa 4.649 million na target nito sa unang anim na buwan ng 2019.
Ani Dansal, isang buwang mataas ang buffer stock ng ahensya na mainam na paghahanda bago pumasok ang panahon ng lean months mula Hulyo hanggang sa unang bahagi ng Setyembre.
Gayundin, ang posibleng pagdatal ng kalamidad sa panahon ng tag-ulan.
Facebook Comments