NFA, nalampasan na ang target na 2,000 bags ng palay na bibilhin sa mga magsasaka sa Laguna

Photo Courtesy: NFA//Facebook page

Nagsimula na ang serye ng UGNAYAN activities ng National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka sa lalawigan ng Laguna bilang bahagi ng pinaigting na palay procurement nito.

Kabilang sa mga lugar na siyam na lugar na target puntahan ng NFA ay ang Mabitac, Pagsanjan, Calauan, Bay, Sta. Maria at Siniloan.

Ayon kay Provincial Manager Roman M. Sanchez ng NFA Laguna, nangako naman ang rice farmers sa siyam na munisipalidad na magbenta ng 10,000 bags ng palay.


Lampas ito sa target nila na makabili ng nasa 2,000 bags ng palay sa mga local farmers.

Sa ilalim ng Rice Import Liberalization Law, minamanduhan ang NFA na tumutok  sa pamimili ng palay.

Ito ay para sa  buffer stocking para sa pangangailangan sa  relief operations sa panahon ng kalamidad at  emergencies.

 

Facebook Comments