Hinihikayat ng National Food Authority o NFA Pangasinan ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan na sa kanila na lamang ibenta ang mga naaning palay sa kanilang nasasakupan.
Kung dati ay nasa 19 pesos kada kilo ang bili ng ahensya ngayon ay nasa ₱20-21 na ito.
Magandang balita ayon sa ilang mga magsasaka sa probinsya ng Pangasinan, upang makabawi din sa pagkaluging idinulot ng mga bagyong nagdaan na sinabayan pa ng habagat.
Samantala, ang nasabing dagdag ay nakapaloob sa Palay Marketing Assistance for Local Government Units. | ifmnews
Facebook Comments