NFA, tiniyak ang magandang kalidad ng bigas para sa relief efforts ng LGUs na naapektuhan ng Bagyong Ulyssess

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) sa mga Local Government Unit (LGU) na magandang klase ng bigas ang ibinibigay nila sa mga LGU para sa kanilang relief efforts.

Ginawa ni NFA Administrator Judy Carol Dansal ang katiyakan matapos mayroon umanong magreklamo sa sub-standard o hindi magandang klase ng bigas na ipinamahagi sa mga nasalanta ng bagyo sa Virac, Catanduanes.

Aniya, magandang klase ng bigas ang naihatid nila sa Catanduanes Provincial Social Welfare Development Office na nire-pack para sa mga sinalanta ng Bagyong Quinta noong October 25.


Ito aniya ang tinanggap na bigas ng mga residente ng Barangay Igang kung saan galing ang nagrereklamo.

Una na ring itinanggi ng provincial government ng Virac na nagpamahagi sila ng inferior-quality rice.

Tiniyak din ng Provincial Social Welfare Office na naging maingat sila sa pag-pack at sinisiguro nilang good quality food items ang kasama sa naipapamahaging tulong.

Facebook Comments