Steel bar sa ginagawang Skyway project sa Muntinlupa City, bumagsak; Apat na motorista, sugatan

2141
Photo Courtesy: Norbetrey Dela Cerna

Apat ang sugatan sa bumagsak na steel bar mula sa ongoing Skyway project sa East Service Road sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Nabatid na nabagsakan ng steel bar ang tatlong sasakyan at tatlong motor sa kalsada na nasa ilalim ng ginagawang Skyway project.


Ayon kay Erwin Alfonso, Head ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office, agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

Dahil naman sa insidente, nagdulot ng matinding traffic sa East Service Road sa Muntinlupa City.

Facebook Comments