May sapat na suplay na bigas ang National Food Authority (NFA) para sa pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Pepito at Quinta.
Ayon sa NFA, tuluy-tuloy ang delivery ng kanilang mga transport facilities sa iba’t ibang rehiyon at nakahanda pang maghatid ng suplay kung kakailanganin.
Pagtitiyak ng grains agency, sapat ang rice stocks kahit may mga susunod pang mga bagyo.
Ang NFA Eastern Visayas ay may sapat na suplay na tatatagal hanggang 2021 base sa pangangailangan ng naturang rehiyon.
Sa ngayon ay tuluy-tuloy ang rice procurement ng NFA sa mga local farmers ngayong panahon ng anihan.
Facebook Comments