NFA, tiniyak na nasa magandang kondisyon ang P27 na NFA rice sa merkado

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na nasa magandang kondisyon ang rice stocks ng ahensya na ibinebenta nila sa merkado sa presyong P27/kilo.

Ginawa ni NFA Administrator Judy Carol Dansal ang paglilinaw kasunod ng paglutang  ng isang retailer sa Pasig Mega Market na nagreklamo sa mabaho at may amoy na NFA rice na ibinabagsak sa kanila.

Ayon kay Dansal, batay sa imbestigasyon ng East District Office ng NFA na nakakasakop sa Pasig area, wala silang nakitang nabubulok na bigas.


Sinabi naman ni NFA-NCR Director Carlito Co na una na nilang sinabihan ang mga accredited retailers na maari lamang nilang ibenta ang may kalidad na NFA rice at kung may depekto ay agad nilang papalitan.

Ani Carlito Co, lahat ng distribusyon ng bigas sa buong bansa ay dumadaan sa regular quality audit at pest control measures.

Aniya, may maayos na warehouse-keeping protocols ang ahensya at may malinaw na polisiya na mga may kalidad na rice stocks ang ipapapalabas.

Facebook Comments