NFA, tiniyak na sapat ang supply ng bigas sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ang supply ng bigas sa mga lugar na apektado ng ash fall mula sa Taal Volcano.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, ang NFA Operation Centers sa Central at Field Offices ay naka-activate mula pa nitong Linggo.

Aniya, 24/7 ang kanilang Operation Centers.


Mayroong silang skeletal forces sa kanilang Central at Field Offices, maging sa warehouses na handang tumulong sa local government units, DSWD, at iba pang relief agencies.

Ang Southern Luzon ay may total rice equivalent na aabot sa 1,930,000 bags, sa Metro Manila na may 197,000 bags, at Central Luzon na may 1,963,000 bags.

Pagtitiyak pa ng NFA na ang government rice at ligtas kainin ng tao dahil nakatago ito ng maayos sa mga warehouses na hindi apektado ng ash fall.

Facebook Comments