Tuloy ang pamimili ng National Food Authority (NFA) ng bigas sa mga magsasaka para sa buffer stock nito.
Ito ay kahit hindi masyadong maganda at marami ang ani sa ilang lugar sa bansa dahil epekto ng El Niño.
Ayon kay NFA Administrator Tomas Escarez, sa loob ng dalawang buwan, nasa Tatlong Milyong kaban ng palay ang nabili ng NFA gamit ang P7-Billion na subsidiya mula sa gobyerno.
Halagang P20.70 per Kilo ang pinairal na buying price ng NFA kasama na ang incentive para sa mga magsasaka.
Mas mataas ito sa bentahan sa labas na nasa P17 hanggang P18 lang.
Tiniyak naman ni Escarez na dekalidad na butil lang ang binibili ng NFA para sa kanilang buffer stocking.
Samantala, iniimbestigahan na ng NFA ang umano’y ilang pekeng kooperatiba na nagbebenta ng palay partikular sa Region 3.
Kaugnay din nito, maglalabas na ang NFA ng requirements bago maibenta ng mga magsasaka sa NFA ang kanilang mga palay para masigurong lehitimong mga magsasaka lang ang nagbebenta sa kanila.