Bangkay ng lalaking nakabalot sa kumot, natagpuan sa Taguig

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa tabi ng pader sa C5 road sa Taguig.

Nakabalot ito ng kumot ang katawan ng biktima habang nakatakip sa kanyang mukha ang isang cellphone.

Ayon sa SOCO, walang bakas na binaril o sinaksak ang biktima.


Posible anilang namatay ito matapos na ma-suffocate gamit ang plastik.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na tinatayang nasa 29 hanggang 30 anyos nakasuot ng checkered na shorts at t-shirts.

Ayon naman sa mga witness, inilaglag ng dalawang lalaki ang bangkay mula sa umaandar na sasakyan.

Dire-diretso namang binaybay ng sasakyan ang southbound lane ng C5 habang naglakad papuntang Upper Mckinley Road ang dalawang lalaki.

Dinala na sa punerarya ang biktima.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang insidente.

Facebook Comments