Pinapalantsa na ng National Food Authority ang pagtukoy sa mga piling lugar na makikinabang sa ilalim ng subsidized rice program ng gobyerno.
Ayon kay NFA officer-in-charge Tomas Escarez, magbabagsak sila ng bigas sa mga focus distribution areas kung saan masyadong mahal ang commercial rice.
Tiniyak ni Escarez na mga lubos na mahirap na kasambahayan lamang ang mabibiyayaan ng murang bigas.
Aminado si Escarez na hindi basta basta na ipatigil ang P27 per kilo na murang bigas dahil pangunahing maapektuhan dito ang mga mahihirap na probinsya.
Regular ang buffer stocking ng NFA kung kayat asahan na tuloy tuloy ito na magpapakawala ng sobrang bigas sa merkado.
Facebook Comments